Kongreso, kumpiyansang maipapasa na ang proposed 2023 Budget sa susunod na buwan

Target ng Kongreso na maipasa sa susunod na buwan ang proposed P5.268-trillion na General Appropriations Bill o ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Sa isang press briefing, sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na ‘on-track’ ang House of Representatives sa pagkamit ng kanilang target na petsa para maipasa ang proposed national budget.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon kay Co, sa katunayan ay nasa 14 na mula sa 34 na ahensya na may kanya-kanyang budget proposals ang sumailalim sa kanilang deliberasyon at kanilang nahimay.

Sinabi ng mambabatas na sa September 16 ay inaasahang matatapos na ang mga budget hearings at pagsapit ng September 21 ay masisimulan na ang plenary debates para rito.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na posibleng sa unang bahagi ng buwan ng Oktubre ay maipapasa na nila sa upper chamber ang 2023 national budget bill.
#