National Prosecution Service, pinakakasuhan na sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong

Ipinag-utos na ng Department of Justice-National Prosecution Service ang pagsasampa ng mga kaso sa korte laban kina Shiela Guo ang umano’y kapatid ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Cassandra Li Ong, ang kinatawan ng sinalakay na ilegal na POGO na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Sa 12 pahinang resolusyon ng National Prosecution Service, kinikilala si Shiela Guo bilang si Zhang Mier na pangalang nakalagay sa kaniyang Chinese Passport.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Ang desisyon ng NPS ay base sa isinagawang inquest proceeding sa dalawa matapos itong makabalik sa Pilipinas noong nakaraang linggo nang mahuli ng mga otoridad sa Indonesia.

Sa inilabas na desisyon, mahaharap si Shiela Guo o Zhang Mier sa kasong disobedience to summons dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng senado noon at Using a False Philippine Passport.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Mahaharap naman si Cassandra Li Ong sa obstruction of justice for harboring, concealing, or facilitating the escape of a criminal offender at kasong disobedience to summons dahil sa hindi naman nito pagdalo sa pagdinig sa kamara.

Bukod dito, inirekomenda ng National Prosecution Service ang dagdag na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation para sa kasong falsification laban kina Guo at Ong.