‘Too late’ na ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang ginagawang pangre-raid ng mga otoridad sa POGO hub.
Sinabi ni Castro, dapat noon pa raw ito ginawa ng mga awtoridad dahil sa umano’y “proliferation” ng krimindalidad.
Hindi rin daw “compensible” ang nakukuha ng pamahalaan sa taxes mula rito at trabahong nalilikha para sa mga Pilipino.
Mas gumagastos pa raw ang gobyerno sa mga ikinasang operasyon at pagmomonitor ng mga iligal na operasyon na ito.
Kaya muling panagawan ng opisyal sa pamahalaan, i-ban na ang POGO sa bansa.