3 pang mga vloggers – kinasuhan ng cyberlibel ni dating senador Trillanes

Panibagong cyber libel complaint ang inihain ni dating Senador Antonio Trillanes laban sa 3 pang vlogger-influencers sa NBI Cybercrime Division.

Nag-ugat ito sa umano’y social media posts ng 3 vlogger na sinasabing ipinagbili ni Trillanes ang Scarborough shoal sa China noong 2012.

Maliban sa 3 indibidwal na ito, noong nakaraang buwan, matatandaang naghain na rin ang dating mambabatas ng cyber liber complaints laban sa ilan pang influencer na nagpo-post ng kaparehong claim.

Mayroon ding ongoing na cyber libel complaint si Trillaners laban kina dating presidential spokesperson Harry Roque at vlogger na Banat By sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Apela nito sa mga vloggers at influencers – maging responsable sa mga inilalagay sa social media.

Kung ano man aniyang agenda sa mga ipino-post, dapat ay ‘within the limits of the law lang’ ito.

Samantala, inaasahang padadalhan ng NBI ng subpoena ang 3 social media personality para pagpaliwanagin at marinig ang kanilang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *