Naghain na ng kandidatura sa pagkasenador para sa darating na 2025 Midterm Elections si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Nakapaghain ang pastor ng COC sa pamamagitan ng Special Power of Attorney.
Ayon kay Atty. Mark Tolentino, gusto raw ni Pastor Quiboloy na maging parte ng solusyon ng ating bansa.
Ang pokus ng plataporma ni Quiboloy ay ‘God-centered’, ‘Philippine-centered’, at ‘Filipino-centered’ bilang isang senador.
Sakaling mahalal, ang prayoridad niya ay religious freedom, protektahan ang mga mahihirap, bigyang prayoridad ang edukasyon, at zero corruption.
Nakakulong ngayon si Quiboloy dahil sa patung-patong na mga kasong kinahaharap nito, hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa US Feds.