Alice Guo – hindi na tatakbo

Kinumpirma sa naging pagdinig ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na wala na siyang balak na maghain ng kanyang certificate of candidacy.

Ito ay taliwas sa naging pahayag ng kanyang abugado na tatakbo pa siya para sa paparating na halalan.

Nang tanungin naman siya ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada hinggil sa nagpabago ng kanyang isip, sinabi niyang gusto muna umano niyang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan.