Nanindigan ang mga miyembro ng KOJC na sinasadya raw ang mga kaso laban sa kanila para sila’y pahirapan.
Dahil dito, nanindigan ang kanilang abugado na si Atty. Israelito Torreon na inihahanda na ng kanilang legal team ang mga posibleng kasong isampa laban sa kanila.
Ayon kay Torreon, gagawin pa rin daw nila ang kanilang trabaho para maprotekahan ang kanilang mga miyembro.
Maaalalang posible kasing kasuhan ang mga humarang sa raid, at pati na rin ang mga nagbanta sa iba’t ibang mga tao, kabilang ang mga pulis at media, sa kasagsagan ng pagsisilbi ng warrant laban kay Apollo Quiboloy.