Klay Thompson, bibisita sa Pilipinas

Inaabangan na ngayon ng mga Pinoy basketball fans ang pagbisita ni Golden State star Klay Thompson sa buwan ng Agosto.

Ito’y para dumalo sa national sports finals ng ANTA’s “Shock The Game” tournament na gaganapin sa isang mall sa Mandaluyong City.

Read More:  Alex Eala eyes stronger US Open Run in second main draw appearance

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakarating sa bansa si Thompson.

Ayon kay ANTA PH Shock The Game Commissioner Gabby Severino, may kabuuang 128 koponan mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sasabak sa torneo ngayong taon.

Read More:  Chino Sy fired up for first Asian Games appearance

Nag kick off na rin nitong weekend ang elemination legs sa Cebu at University of the Philippines (UP) Diliman.

Noong nakaraang taon, nag kampeon sa laro ang UP fighting Maroons na binubuo nina Mark Belmonte, Janjan Felicilda, Nico Tan, Alejandro Shah, at tournament MVP Reyland Torres.