Kanselado pa rin ang mga klase ngayong araw dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Amang.
Parehong nagdeklara ng walang pasok all levels sa mga public and private schools ang probinsiya ng Camarines Sur at Laguna.
Sa Sto. Tomas, Batangas kanselado din ang pasok mula Kindergarten papuntang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan public and private)
Sa Lopez Quezon walang pasok Kindergarten to Senior High School, public and private.
Habang sa Montalban, Rizal wala din pasok ngayong mula Kindergarten to Senior High School and Alternative Learning System, sa lahat ng public at private schools.
