Patay ang isang katorse anyos na babae nang ito ay pagtatagain sa ulo at katawan bandang alas-singko ng hapon sa Brgy. New Ibajay, El Nido, Palawan.
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, papauwi na umano ang biktima sa kanilang bahay nang ito ay pagtatagain ng hindi pa nakikilalang suspek.
Ayon naman sa nagresponde na mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office- El Nido, may malaking sugat rin sa mukha ang biktima nang ito ay kanilang abutan bandang alas-singko y medya kahapon bago dinala sa pagamutan.
Dinala pa sa El Nido Community Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Samantala, hindi rin narekober sa crime scene ang ginamit sa pagpatay habang nag-iimbestiga pa ang pulisya sa krimen