Tututukan ng Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts Office ang mga Punong Barangay na nagpapabaya sa kanilang tungkulin o pinapalusot ang gumagawa ng illegal island hopping sa mga tourism sites sa Matnog.
Bunsod ito sa nangyaring insidente ng pagkasawi ng isang turista sa nasabing bayan noong Semana Santa nang tumaob ang sinasakyang Bangka dahil sa ‘overloading.’
Ayon kay PTCAO Sorsogon head Bobby Gigantone, mag-iimbestiga rin sila upang malaman kung sino ang mga nasa likod ng pagto-tolerate ng mga nagsasagawa ng illegal island hopping.
Aniya pa, dapat na hindi na maulit pa ang nasabing insidente, lalo pa at nagdudulot ito ng negatibong epekto sa imahe ng turismo at hindi makatutulong lalo na ngayong patuloy nilang sinisikap na mas mapalakas pa ang tourism industry sa lalawigan sa pamamagitan ng bagong branding na ‘Beautiful Sorsogon.’
