Kim Chiu, ipinagdiwang ang ika-18 years sa showbiz

Super grateful raw si Kim Chiu sa kanyang journey bilang artista!

Noong June 3, ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-18 taon sa industriya ng showbiz.

Sa kanyang social media post, binalikan ng chinita princess ang kanyang humble beginnings – simula nang siya ay manalo bilang big winner sa Pinoy Big Brother Teens.

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na si Kim sa kanyang karera bilang artista.

Out of words umano ang aktres, at sobra siyang nagpapasalamat sa kanyang ‘beautiful journey.’

Pinasasalamatan din nito ang kanyang Kim Chiu Global family sa paglalaan ng mga ito ng oras, effort, at pagmamahal para sa kanya.

Hindi rin nawala sa mga pinasalamatan niya ang lahat ng nakasama nito sa industriya, at mga programang nagtiwala sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *