Ibinida ng Chinita Princess na si Kim Chiu ang kanyang outfit na gawa sa basahan at retaso na mabibili sa halagang 3 for 100.
Makikita sa kaniyang Instagram post, ang larawan habang suot ang outfit gawa sa basahan na may caption “Basahan at Retaso. Basahan man sa inyong paningin, may magmamahal at magmahal din”
Napahanga nito ang mga netizen at kapwa niya celebrity, anila, napakacreative, ang expensive ng basahan tingnan pag si Kim ang nag-suot at ang ganda parin kahit na anong outfit.
Sa kasalukuyan, mapapanood si Kim sa isang series kasama si Jake Ejercito sa Fit Check: Confession of an Ukay Queen.### JONADEL GALLEGO, Intern