Hindi deretsahang sinagot ni Kiko Estrada ang tanong na kung gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang ex girlfriend na si Heaven Paralejo.

Ayon kay Kiko ” I just wish her the best, but maybe I have my own thing and she has her own thing.”
Sa ngayon daw ay ayaw muna ng aktor ng isyu at stress sa buhay.
Mababatid na naging controversial ang relasyon nina Kiko at Heaven dahil sa umano’y pagiging third party ni Heaven sa relasyon noon ni Kiko kay Devon Seron.
Na-bash noon si Heaven dahil taong 2020 sinabi ni Heaven na hindi siya pumapatol sa may jowa na kaya crush lang daw niya si Kiko.
Pero nilinaw ito ni Kiko at sinabi niyang hindi niya pinagsabay si Heaven at Devon.