Kiefer Ravena, June Mar Fajardo pangungunahan ang Gilas sa SEA Games

May pagkakataon na si Kiefer Ravena na mapanalunan ang record-extending sixth Southeast Asian Games gold medal, matapos itong mapabilang sa 12-man line-up ng Gilas Pilipinas para sa Hanoi, Vietnam.

Si Ravena ang mangunguna sa Philippine men’s basketball team sa 5-on-5 version ng laro, kung saan target nilang maipanatili ang gold medal na kanilang napanalunan noong 2019 SEA Games sa Manila.

Kaugnay nito, nanalo na siya ng limang SEA Games gold medals, at naging bahagi na ng Philippine team sa biennial event simula noong 2011 edition sa Jakarta.

Samantala, sasamahan naman ito ng ilang PBA players sa pangunguna ni June Mar Fajardo, Isaac Go, Mo Tautuaa, Troy Rosario, Matthew Wright, Roger Pogoy, Kib Montalbo, at Kevin Alas.

Ang Gilas cadets naman na si Will Navarro at Francis “Lebron” Lopez ay kasama rin sa 12-man line-up, at kokomplero sa listahan si Thirdy Ravena.