Patay ang isang tomboy samantalang nasa kritikal naman ang kasama nito matapos tamaan ng kidlat habang namamahinga sa isang purok sa Barangay Kayaga ng bayan ng Pandag, Maguindanao del Sur kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Yvonhy Magalso na on the spot na nasawi habang nasa kritikal na kalagayan naman si alyas Anna na kapwa mga residente ng bayan ng Carmen, North Cotabato.
Sinasabing patungo ang dalawa ng Tacurong City sakay ng Suzuki raider 150 ng bumuhos ang malakas na ulan dahilan para agad sumilong ang dalawa sa isang purok sa labas ng Kayaga Elementary School nang mangyari ang insidente.
Nagdadalamhati naman ngayon ang mga kaanak ng mga biktima habang dipa mabatid kung nakuha na ang labi ng nasawing si Magalso na nagawa pang maisugod sa Buluan District Hospital.