Alas Pilipinas, laglag na sa FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup

Nalaglag na ang Alas Pilipinas sa quarterfinals ng FIVB Women’s Volleyball Challenger Cup matapos talunin ng Vietnam sa straight sets sa score na 25-14, 25-22, 25-21.

Makakaharap ng Vietnam sa semis ang Czechia habang magtutuos naman ang Puerto Rico at Belgium.

Ang mananalo sa Challenger Cup ang papasok sa 2025 Women’s Volleyball Nations League.

Sa kabila nito’y proud pa rin ang fans sa effort na ipinakita ng alas sa naturang laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *