Isang taos-pusong mensahe ang pinahayag ng aktres na si KC Concepcion matapos ang inabangang reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.
Sa isang Instagram post, ibinahagi nito ang kanyang mga once-in-a-lifetime experience na matagal niya ng inaasam.
Hindi agad nai-share ni KC ang post na ito dahil aniya, ninanamnam nito ang bawat segundo ng gabi.
Dinaluhan ng mahigit 25,000 na katao ang sold-out concert ni Sharon at Gabby na pinamagatang #DearHeart.
