Kawalan ng sapat at maayos na biladan ng palay, dahilan ng patuloy na paghina ng kalidad ng bigas – PhilMech

Aminado ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanism (PHILMECH) na ang kawalan ng sapat at maayos na mga biladan ng palay ang isa sa pinakadahilan ng patuloy na pagbaba ng kalidad ng bigas sa bansa.

Ayon kay Danilo Gamalog Senior Research Specialist ng ahensya, isa ang pagbibilad sa mga kalsada at mga open courts kung bakit kahit na maganda ang tubo ng palay nagiging mahina ang kalidad ng mga butil nito dahil sa hindi magandang lugar.

Read More:  Army discovers alleged NPA ammunition stockpile in Masbate

Madalas na durog-durog ang mga butil dahil sa nadadanana ito ng ibat ibang uri ng sasakayan, kasama na rito ang hindi kontroladong init ng araw na minsan uulan at dumi mula sa kalsada na naka-aapekto rin sa kalidad ng butil.

Read More:  Himamaylan SP recognized among Negros Occidental’s top-performing local legislatures

Aniya, ito ang dahilan kung bakit patuloy na pinaglalaanana ng pondo ng pamahalaan ang mga mechanical driers dahil isa ito sa tutugon sa problemang kinakaharap ng maraming magsasaka sa bansa.