Nanatiling 100% rating ang nakuha ng limang LGU sa Sorsogon sa Regional Validation ng Seal of Good Local Governance o SGLG simula 2022 assessment at 2023 Regional Assessment.
Sa tala ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang mga nasabing bayan ay kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan, Irosin, Pilar at Sorsogon City.
Pumasa sa validation ang mga programa at practices ng mga nasabing LGU sa lahat ng criteria ng DILG na kinabibilangan ng Financial Sustainability and Administration, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance, Sustainable Education, Business Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Culture and the Arts at Youth Development.
Ngayong taon, nakakuha rin ng 100% validation rating ang bayan ng Castilla at Bayan ng Juban habang ang bayan naman ng Donsol ang may pinakamababang rating na nakuha mula sa validation na umabot lamang ng 30%.
Ibig sabihin, sa 10 mga kategorya, sa tatlo lamang pumasa ang LGU. Kabilang dito ang Health Compliance, Business Friendliness and Competitivess at Environmental Management.
Sa kabuuan, 56% o 9 sa 16 na LGU ang nagkaroon ng Improvement sa kanilang overall rating at 44% o 7 sa 16 ang napanatili ang kanilang rating.
