𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗞 𝗜𝗡𝗜𝗧𝗜𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗦𝗛𝗢𝗣 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗠𝗔𝗧𝗘𝗨𝗥 𝗔𝗦𝗧𝗥𝗢𝗡𝗢𝗠𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗕𝗜 Nakatakdang isagawa ng Barangay Baculud, City of Ilagan mamayang alas-7:30 ng gabi ang kauna-unahang Sanguniang Kabataan (SK) Initiative workshop para sa mga amateur astronomers sa buong Lalawigan ng Isabela.
Sa panayam ng Brigada News Team kay Zedrick Abaya Dumlao, ang SK Chairman ng Barangay Baculud, layunin aniya ng aktibidad na iparanas sa mga Kabataan ng kanilang barangay ang iba’t ibang aktibidad sa workshop tulad ng Telescope viewing, at mahikayat ang mga ito na maging interesado sa mundo ng astronomiya.
Ayon naman kay Tristan Pestaño, ang speaker sa naturang workshop, naging motibasyon aniya nila sa pagsasagawa ng Isabela League of Amateur Workshop ay ang kanilang kagustuhan na ipalaganap sa bawat lungsod at munisipalidad ng Isabela ang kanilang mga kaalaman sa larangan ng astronomiya.
Bukas naman sa publiko ang naturang aktibidad kaya’t magtungo lamang mamayang gabi sa Covered Court ng nabanggit na barangay.
Samantala, naghahanda na rin ang SK Council ng Barangay Baculud para naman sa susunod na seminar kung saan pag-uusapan naman dito ang iba’t ibang mga batas na mayroong kaugnayan sa karapatang pantao.