𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗠𝗣𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔 Isinuko ng isang ginang mula sa Bayombong Nueva Vizcaya ang isang MK2 hand grenade na may complete assembly sa Bayombong Police Station noong Martes.
Kinilala ang ginang na si Rosie Saludo, 61-anyos, at residente sa Purok 5, Barangay La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nagtungo ang ginang sa himpilan ng pulisya upang boluntaryong isuko ang nasabing pampasabog. Base sa kaniyang salaysay, nililinis nya ang aparador ng kanyang yumaong asawa ng madiskubre niya ang isang lalagyanan na naglalaman ng granada na nakabalot sa isang piraso ng tela.
Pinuri ang ginawang hakbang ng naturang ginang dahil naging prayoridad nito ang seguridad at kaligtasan ng komunidad.