Kauna-unahang RACE sa Olongapo isinagawa ng SSS, 7-establishment inisyuhan written order

Sorpresang nagsagawa ng Run After Contribution Evaders o RACE operation ang Social Security System sa pangunguna ng Regional Office kaninang umaga sa Olongapo City.

Pinuntahan ng SSS ang pitong delingkwenteng employer na inisyuhan ng written order.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ito ay ang mga employer na may outstanding obligations sa SSS tulad ng mga benipisyong dapat ay para sa mga empleyado.

Samantala, mayroon namang option ang mga negosyante na bayaran ang kanilang mga obligasyon sa pamamagitan ng pag-avail ng Pandemic Relief and Restructuring Program (PRRP 3) o Enhanced Installment Payment Program.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Sakali namang hindi makasunod sa mga opsyon ay maghahain ng legal na aksyon ang SSS laban sa mga ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO