Kauna-unahang Lung Transplant Program sa bansa, inilunsad sa QC

Pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos at pamunuan ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Lung Transplant Program sa bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ginanap ang inagurasyon sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na ang programa ay malaking tulong sa pangangalaga ng pulmonary health patients sa Pilipinas.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Bukod dito, pinuri rin ng Presidente ang mga frontliner sa naturang ospital dahil sa ipinakitang katapangan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.