Kauna-unahang Albay Mardi-Gras parade ng LGBTQIA+ community sa lalawigan, naging matagumpay

LEGAZPI CITY – Naging matagumpay ang isinagawang kauna-unahang Albay Mardi-Gras Parade ng LGBTQIA+ community bilang pakikiisa sa makulay na Pride Month celebration sa lalawigan.

Sa nasabing parade, naglaban-laban ang aim (6) na mga kalahok mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan ng Albay kabilang na ang Ang mga lungsod ng Legazpi at Tabaco, mga bayan ng Sto. Domingo, Camalig, Pioduran, at Oas.

Kung matatandaan, una naring nagpahayag ng suporta sa nasabing aktibidad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA), Provincial LGBTQIA+ Focal Office, at United Pride of Albay.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng pakikiisa sa nasabing komunidad, ay ang pagpapakita ng suporta sa patuloy na pakikipaglaban para sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa lalawigan.

Itinanghal naman bilang kampeon ang mga kalahok mula sa lunsod ng Tabaco kung saan hinirang rin ang mga ito bilang Best in Costume at Best in Choreography.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *