Kathryn Bernardo at Dominic Roque, nakitang magkasama sa gym

Ikinagulat ng fans ang kumakalat na litrato ng aktres na si Kathryn Bernardo at aktor na si Dominic Roque na magkasamang nag-gym.

Ang nag-upload ng larawan nina Kathryn at Dominic ay ang mismong coach trainer na si Mauro Lumba sa kanyang Instagram story, kasama ang kanyang anak, na may caption na “workout buddy.”

Marami ang natuwa dahil muling nagiging malapit sina Kathryn at Dominic, na dati nang magkaibigan.

Ang kanilang interaksyon ay naging madalas muli matapos maghiwalay sina Kathryn at dati nitong boyfriend na si Daniel Padilla. (Angela Rose Brazas – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *