Ilang residente sa Camaligan, Camarines Sur, umaasa pa rin sa water lorry distribution ng MNWD; ilang barangay sa bayan, halos wala pang supply ng tubig

NAGA CITY – “Hay naku kahit nga gabi/ ni patak lamang ng tubig wala, yong amo ko, problemado kasi wala talagang tubig.”

Kwento ito sa Brigada News FM Naga, ng isang concern citizen na hindi na nagpakilala at residente sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur, matapos ang halos wala pang supply ng tubig sa ilang barangay ng bayan lalo na sa kasentruhan. Ilan naman sa mga residente lalo na sa Barangay Santo Tomas, San Marcos, ay umaasa pa rin hanggang ngayon sa water lorry distribution ng Metropolitan Naga Water District.

Sa panayam naman kay Choppy Dela Cruz, Tagapagsalita ng water district, sinabing talagang may mga barangay pa ang wala pang tubig epekto pa ng pagkukulang ng at mga repair, kaya ang ginagawa nila nirarasyonan muna ng tubig, lalo na ang Barangay Santo Tomas, na problema ang walang fire hydrant na mapaghuhugatan sana ng tubig at maaari sanang malagyan kaya lamang ay pinag-aaralan pa kung saan pwede dahil may kasikipan din ang mga kalsada sa bayan.

Dagdag pa ng opisyal, bago din matapos ang buwan ng Hunyo, magiging maganda na ang supply ng tubig sa kasentruhan ng bayan dahil magkakaroon ng interconnection sa linya na huhugutin mula sa iba at madadagdagan ng pressure sa tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *