Reunited ang dating magkasintahan na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pangawalang pagkakataon.
Una rito nagkasama ang dalawa sa Christmas special ng isang media company at nagperform ng “I’ll be there for you” – theme song ng 1994 sitcom na FRIENDS.
Kahapon naman ay tinanggap ng dalawa ang parangal sa Asia Artist Awards Fabulous Award na kauna-unahang ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
Maikli lamang ang speech ni Daniel – nagpasalamat siya sa fans at nag-peace sign.
Bago ang talumpati ni Kath, malakas na naghiyawan ang crowd at namula ang aktres.
Ayon kay Kath, patapos na ang taon pero super blessed pa rin siya at ibabahagi niya ang pagkilala sa kanyang mga taga-suporta.
