Katawan ng tao na walang ulo, bumulaga sa mga residente sa Taytay Palawan

Palaisipan ngayon sa mga residente kung sino at paano nakarating sa kanilang lugar ang katawan ng isang tao na pinaniniwalaang pinugotan ng ulo bago napadpad sa Sitio Candungon, Brgy. Minapla sa bayan ng Taytay Palawan.

Ayon sa punong Baranggay na si Abner Lozano, bandang alas-sais ng umaga  nitong Martes natuklasan ng mga tao sa tabing dagat ang katawan ng lalaki.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Wala itong pang- itaas at tanging shorts lamang ang kasuotan, wala rin itong tattoo o palatandaan sa katawan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Hindi rin daw ito nakilala ng mga residente kaya nagdesisyon ang opisyal na ilibing na lamang pansamantala ang katawan dahil naagnas na ito.

Ipinagbigay alam na ng opisyal sa pulisya ang insidente.