Kasunduan ng Gobyerno at Bangsamoro sa energy exploration, 50-50 sa revenue

Nagkasundo sa isinagawang Intergovernmental Energy Board (IEB) nitong nakalipas na linggo kasama si Pangulong Bongbong Marcos na 50-50 ang magiging hatian ng government at Bangsamoro government sa magiging revenue ng isasagawang energy exploration.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM, Interior Minister Atty. Naguib Sinarimbo, sinabi niyang pinagtitibay ng EIB ang kasuduan sa pag-manage sa pagkuha ng mga reserbang petrolyo sa Bangsamoro.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa isang pahayag ni Pangulong Marcos, sinabi niyang ang layunin ng binuong EIB na palaguin ang energy sector sa BARMM at nang makaakit pa ng mas maraming investor local at international para sa exploration at development ng energy resources ng sa Bangsamoro region.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa kabilang banda, nakikipag-ugnayan si House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda sa national government at maging sa BARMM hinggil sa Tax Code ng rehiyon para matiyak aniya na ang tax regime para sa oil and gas exploration and extraction ay malinis at patas para sa lahat.