Ex-SAR Mariano – nanindigang ‘bitin’ at ‘hindi sapat’ ang Agrarian Emancipation Act

Sinagot ng dating kalihim ng Department of Agrarian Reform o DAR ang naging reaksyon ng ilang mga magsasaka na walang utang o multa sa kanilang mga lupaing sinasaka kaugnay sa RA 11593 o New Agrarian Emancipation Act.

Ang RA 11593 kasi ang magbubura sa utang at multa ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP na tinatayang 57.5 billion pesos na unpaid amortization mula sa principal debt.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay dating DAR secretary at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano, sinabi niyang isa sa hindi naipaliwanag mabuti ng bagong pirmang batas ay ang magiging proseso sa mga magsasaka na religiously ay nagbabayad ng kanilang sinasakang lupa.

Dagdag pa ni Mariano, hindi malinaw na tinukoy sa New Agrarian Emancipation Act na ibabalik sa mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs ang kanilang naihulog sa lupa kung ito’y tapos na na para sa ilan ay hindi patas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Giit ng dating opisyal ng DAR ang malinaw lang ay prioridad ang mga ito sa programang pautang ng pamahalaan.

Dahil dito – idiniin ni Mariano ang kahalagahan ng pagpasa sa isinusulong nilang ‘GARB’, ‘o ‘yung Genuine Agrarian Reform Bill.