Kasong rape with homicide laban sa 11 suspek sa Dacera Case, ibinasura!

Ibinasura ng Makati Prosecutor’s Office ang kaso laban sa mga suspek sa umano’y panggagahasa at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera noong Enero.

Sa inilabas na resolusyon ni Makati Prosecutor Joan Santillan, wala umanong matibay na ebidensiya ang na-ipresenta laban sa mga akusado na mayroong nangyaring rape, homicide, o rape with homicide.

Kabilang sa mga suspek ay sina John Pascual dela Serna III, Rommel Daluro Galido, John Paul Reyes Halili, Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, Ed Madrid at isang angngangalang Paul.

Samantala nasa preliminary investigation naman ng DOJ ang hiwalay na reklamo na inihain ni NBI laban sa mga akusado at ilang personalidad.

Magugunitang natagpuang wala nang buhay si Dacera sa loob ng isang hotel sa Makati City matapos ang New Year’s Eve party kasama ang mga akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *