Kaso vs. vloggers at isang brodkaster sa Palawan, niluluto ng NBI

Magsasampa umano ng kaso ang National Bureau of Investigation- Palawan sa mga taong nagpakalat ng malisyosong impormasyon kaugnay sa Jovelyn Galleno Case.

Ito ay sa kabila ng tapos na ang kanilang imbestigasyon sa kaso matapos maisumite ang investigation report sa piskalya nitong nakalipas na linggo.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Ayon kay NBI Agent Cedric Caabay, kabilang sa nais nilang makasuhan ay ilang vloggers at isang brodkaster sa Palawan.

Dahil umano sa ipinakalat na mga malisyosong impormasyon ng mga taong ito ay naapektuhan ang imbestigasyon ng Bureau at iba pang law enforcement unit sa naging kontrobersyal na kaso ng dalaga

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Ang mga impormasyon ito ay walang malinaw na basehan subalit iniuugnay sa kaso, dagdag ni Agent Caabay.

Samantala, hinamon ni Agent caabay ang mga nagsasabing may ebidensya sila na nag-uugnay sa pagkamatay ng dalagang Galleno at huwag ito itago sa mga awtoridad kung ang talagang layunin ay makamit ang hustisya.