6 na barangay sa Daraga, Albay magsasagawa ng isang linggong mobile lab and clinic

LEGAZPI CITY – Isang linggong isasagawa ng Local Government Unit (LGU) Daraga ang Arangkada Banwa Mobile Lab and Clinic (ABMLC) sa anim na barangay ng nasabing bayan.

Ngayong araw ng Lunes, Setyembre 19, isinagawa na ng Rural Health Unit ang aktibidad sa Barangay Maopi covered court upang mabigyan ng libreng medical and dental services, laboratory test ang mga residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Army soldier, wife killed after Bacolod family dispute

Nakatakda rin bukas, araw ng Martes na puntahan ang Brgy. San Vicente Pequeño upang makapagbigay ng libreng serbisyo sa kalusugan sa mga residente.

Inaasahan din sa mga susunod pang mga araw na bibisitahin ang Brgy. Budiao, Canarom, Binitayan, Tagas at Core Shelter Ben Anislag Phase 2.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Paalala ng lokal na pamahalaan sa mga tutungo sa mga nabanggit na barangay na magdala ng mga requirements tulad ng certificate of indigency, valid ID, at doctor’s request kung kinakailangan.