NAGA CITY- Ibinasura ng Iriga City Prosecutors ang kaso laban sa reporter na lumabag umano sa Data Privacy Act.
Ito ang kinumpirma ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP)- Camarines Sur Chapter Chairman Marife Marical. Sa siyam na pahinang resolusyon sinabi ng City Prosecution Office na “no probable cause” at “no reasonable certainty of conviction” na magdidiin kay Jose Rizal “Joeriz” Pajares ng Radyo Natin.
Noong Agosto 2 , 2023 nakulong si Pajares sa Iriga City Police Station dahil sa pagtingin sa police blotter. Ayon sa PNP wala pang pahintulot si Pajares mula sa hepe na si PLTCOL Ralph Jason Oida. Unauthorized access ito at paglabag umano sa data confidentiality at security protocols ukol sa pag-access sa police blotter. Nanindigan si Pajares na wala siyang nailabas na impormasyon.
Inalmahan ito ng KBP kaisa ang National Union of Journalists of the Philippines. Na relieve sa pwesto ang dating hepe kang Iriga at ngayon laking pasasalamat ng KBP sa pagkilala sa karapatan ng mga mamahayag.