Nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) na wala na sa kanila ang responsibilidad ng mga
post-election related incidents kung saan kinondena ng Komisyon ang dumaraming kaso pa nito.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay COMELEC Chairperson George Garcia, sinabi nito na hindi nagtutugma ang kanilang datos sa inilabas ng PNP kaugnay sa mga insidente na may kinalaman sa eleksyon.
Ayon kay Garcia, kasalukuyang nakatutok sila sa mga checkpoint kaugnay ng nagpapatuloy na gun ban hanggang Nov. 29 at paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga tumakbong kandito habang nananawagan sa kapulisan na arestuhin ang mga lumabag sa election code.
Samantala, isang exit conference ang isasagawa ng COMELEC kasama ang mga regional joint command center at iba’t ibang ahensya para malaman ang kinalabasan ng halalan sa ibang bahagi ng bansa gaundin ay ipaalala na nasa election period pa rin ang bansa 30 days matapos ang botohan.