Naniniwala si Senadora Nancy Binay na isa sa mga layunin ng Konstitusyon ay protektahan at itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayang Pilipino sa kalusugan.
Kaugnay nito, pormal na naghain ng resolusyon si Binay na naglalayong imbestigahan ang mga kaso ng pagkamatay ng ilang indibiwal na ‘di awtorisadong gumamit ng intravenous glutathione.
Kung saan, isa naman ito sa ikinaalarma ng Food and Drug Administration (FDA) dahil halos ng mga health and beauty salons, wellness spas at maging beauty clinics ngayon ay nag-aalok na ng mga injectable glutathione na siyang dapat ay pinapayagan lang sa mga pasyenteng dumadaan sa cisplatin chemotheraphy.
Alinsunod nito, marapat lang umanong magkaroon ng mas mahigpit na batas ang Pilipinas tungkol dito upang maiwasan ang mga kaparehong trahedya.
Maalala, kamakailan ay naging usap-usapan ang glutathione drip matapos ang naging viral ng dripping session ni Mariel Padilla sa mismong opisina ng kanyang asawa.