Kaso ng HIV sa Camarines Norte pumalo na sa halos 200

CAMARINES NORTE – Kinumpirma ng Provincial Health Office na tumaas pa ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, mula 1984 hanggang sa kasalukuyan ay pumalo na sa 199 ang naitalang kaso ng HIV. Dalawa ang naitalang HIV cases nitong Hunyo 2023.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Mula Enero hanggang Hunyo nitong taon umabot sa 22 ang naitalang kaso.

Bago ito, nasa 140 ang naitalang kaso ng HIV hanggang noong Pebrero 2022.

Kahapon ay ginawa sa lalawigan ng Albay ang Regional HIV Strategic Information o STIR-UP AND Response Planning workshop na dinaluhan ng mga health official mula sa iba’t- ibang panig ng rehiyon.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Patuloy ang kampanya ng gobyerno para mapukaw ang kamalayan ng publiko patungkol sa HIV.