Kaso ng hand, foot, and mouth disease sa Iloilo, nasa 700% ang itinaas

Tumaas ng 700% ang bilang ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) cases sa mga bata sa probinsya ng Iloilo.

Sa report na inilabas ng Iloilo Provincial Health Office (IPHO), 3, 388 HFMD cases ang naitala simula Enero hanggang June 24.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Higit na mas mataas ito mula sa 398 na kaso noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Ang bayan ng Santa Barbara, na may 363 cases, ang may pinakamataas na bilang ng HFMD cases.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, mula 42 na bayan at component city Passi, kinumpirma ng IPHO na tanging munisipalidad ng Carles ang wala pang naiuulat na HFMD case.