Ipinagtanggol ni dating national security adviser at Professor Clarita Carlos si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco, at sinabing ang kalihim ay isa sa mga pinaka-innovative at hardworking na miyembro na Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ay kasunod ng issue sa promotional video ng DDB Philippines para sa bansa kaugnay ng bagong “Love the Philippines” campaign kung saan gumamit ang mga ito ng stock footage mula sa ibang bansa para sa naturang video.
Apela ni Carlos, maging fair naman para sa DOT Secretary.
Hiling din umano nito na alamin ang kabuoang nangyari, parusahan ang mga taong sangkot, at kumuha ng mga lessons mula sa ‘error in judgment.’
