Boluntaryong sumuko ang kilala at notoryosong dalawang Abu Sayyaf Sub-Leaders sa militar sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Major General Ignatius Patrimonio ang mga sumukong ASG Sub-Leaders ay kinilala na sina Mujer Yadah 55 taong gulang at si Ben Tatto 41 taong gulang.
Kilala umano ang mga nabanggit na ASG Sub-Leader sangkot sa Kidnapping at pamumugot ng ulo ng ilang mga dayuhan at iba pang mga biktima.

Maliban rito kilala rin sina Yadah at Tatto na sangkot sa insidente ng pambobomba sa ilang lugar dito sa Mindanao.
Dagdag ni Major General Patrimonio Sina Yadah at Tatto ay naninilbihan sa Kidnap For ransom Group na nag ooperate sa Indanan Sulu na pinamumunuan ni Abu-Sayaff Sub Commander Apo Mike na napaslang din ng Militar sa engkuwentro noong Buwan ng Marso taong 2021.
Ayon kay Patrimonio sina Yadah at Tatto ay matagal ng umanib sa grupo ni Apo Mike mula noong taong 2002 hanggang sa napaslang ito sa kasagsagan ng operasyon ng militar sa Languyan Tawi-Tawi kung saan rescue ang indonesian Kidnap Victim na si Mohammad Khairuldin na dinukot ng mga bandido noong January taong 2020.
At ng mapaslang ang kanilang Leader inamin ng mga ito na sila ay nahihirapan at parating tumatakbo sa kagubatan at nakakaranas na ng gutom habang tinutugis ng militar.
Inihain na rin ang warrant of arrest sa dalawang ASG Sub-Leader sa kasong Kidnapping at serious illegal Detention na isinampa laban sa kanila.
Ng matatandaan noong taong 2016 tinuturo ng militar na sina Yadah at Tatto ang responsable sa pag pugot ng Ulo sa Canadian Kindap Victim na si Jhon Bramwell Ridsel at Robert Hall sa Sulu isang taong nakalipas , dukutin ng mga bandido sa Samal Island noong buwan ng Septiembre taong 2015. (KATHRINA ANIÑON)