Mahigit 700 million na halaga ng NIA procured heavy equipment, ipinamahagi na ni PBBM sa iba’t ibang rehiyon

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ceremonial turn-over ng mga heavy equipment sa bayan ng Mexico, Pampanga na binili ng National Irrigation Administration sa ilalim ng kanilang 3-year re-fleeting program.

Nagkakahalaga ng 782 million pesos ang mga heavy equipment na kinabibilangan ng mga excavators, trailer trucks, at dumpers.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng 2nd tranche ng re-fleeting program ng NIA, kung saan ipinamahagi sa iba’t ibang NIA regional offices sa buong bansa.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Anya, ang investment na ito sa irrigation infrastructure ay patunay ng hindi matatawarang commitment ng pamahalaan na suportahan ang agriculture sector na nagsisilbing backbone ng ating ekonomiya.

Ayon sa Pangulo, sa tulong ng re-fleeting program, madaling naaayos at nagagawa ang mga irrigation facilities na nasira ng mga natural calamities.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kasabay nito inanunsyo rin ng Pangulo na iro-roll out sa susunod na taon ang ikatlong tranche ng programa na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

Habang noong December 2023 naman naipamahagi ang nasa 141 units ng mga excavators na nagkakahalaga ng 776 million na bahagi ng 1st tranche.