KORONADAL CITY – NASA 53 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Koronadal. Ito ang batay sa Data Monitoring Center ng lungsod ayon sa pinakahuling ulat kung saan anim lamang ang naitalang panibagong kaso, apat ang recoveries at walang naitalang COVID-19 related death.
Kapansin-pansin na nasa single digit na lamang ang kaso sa kabaranggayan ng lungsod kung saan siyam na lamang ang kasong naitala sa Brgy. Santa Cruz na may pinakamataas na kaso, sinusundan ito ng Zone IV na may pito at ang natitirang mga barangay ang nasa sa isa hanggang apat na kaso lamang ang naitala.
Napag-alamang nasa 77.84% na sa projected population ang nabakunahan kontra COVID-19 upang maabot ang herd immunity kung saan katumbas ito ng 105,316 na mga indibidwal sa kabuuang 135,297 na target population. 47.96% dito o 64,889 ang partially vaccinated at 29.88% o 40,427 ang fully vaccinated.
