Kaso ng COVID-19 sa Isabela, tumaas pa sa 4,578

Karagdagang 506 new COVID-19 cases ang naitala sa lalawigan ng Isabela ngayong araw, September 22, 2021.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong alas-6 ng umaga na nagdala sa kabuuang 4,578 na aktibong kaso sa lalawigan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Naitala rin ngayong araw ang malaking bilang ng mga gumaling sa sakit na umabot sa 628 new recoveries.

Habang 13 naman ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 na dahilan upang umabot na sa 1,227 ang total deaths sa lalawigan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nangunguna pa rin ang Cauayan City sa may pinakamataas na kaso ng virus habang ang bayan na Dinapigue, Isabela ang lugar na nanatiling zero active COVID case.

Isabela PIO