Kaso ng covid-19 sa Isabela, bumaba pa sa 991

Bumaba pa sa 991 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela batay sa huling tala ng Isabela Integrated Provincial Health Office ngayong araw, November 15, 2021.

Naitala ang mas maraming bilang ng mga nakarekober na mga pasyente mula sa naturang sakit na mayroong 74 kumpara sa bagong kaso na 38.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon ay umabot na sa 60, 391 ang cumulative cases sa buong probinsya kung saan 57, 400 dito ang gumaling na.

Habang apat naman ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 na nagdadala sa 2,000 total death toll ng probinsya.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samantala, ang lunsod na Santiago na nakapagtala ng 110 active cases at bayan ng Jones na may 102 cases ang nangunguna sa may mataas na aktibong kaso.

Napanatili naman ng Palanan ang zero active case sa COVID-19 kabilang na ang coastal town ng Dinapigue.