Kaso ng Covid 19 sa Cauayan City, sumampa na sa 604; LGU, bumili nang karagdagang gamot kontra covid 19

Pumalo na sa 604 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa lunsod ng Cauayan matapos maidagdag ang   158 new cases ngayong araw.

Batay sa ibinabang datos ng Cauayan City COVID 19 Task Force, nangunguna pa rin ang Brgy. San Fermin sa may pinakamaraming kaso na umabot na sa 103; sinundan ng District 1 na may 98 active cases; at pumangatlo ang Barangay Cabaruan na may 64 na apektado.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kasabay nito, naitala rin ang nasa 45 recoveries at wala namang panibagong naitalang nasawi sa naturang sakit.

Dahil dito, bumili ang lungsod ng karagdagang gamot kontra COVID 19 tulad ng Remdesivir bilang tulong sa may severe symptoms.

Prayoridad na mabigyan ng mga gamot ang mga hospital at community isolation units.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kinakailangan lamang umanong makipag-ugnayan sa hotline ng Sumbungan ng Bayan Cauayan sa mga numerong 09171295922 o 099972709 para makakuha ng gamot kontra COVID 19.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring nakasailalim ang lungsod sa Hybrid General Community Quarantine Bubble Set up na magtatagal hanggang s sa September 30, 2021.

Photo/LGU Cauayan