Kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit 700

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 704  ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Ito ang iniulat ng Department of Health- Bicol matapos makapagtala ng 26 na bagong kaso sa case bulletin kahapon

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa mga bayan ng Daet na may 11 habang 7 ang mula sa bayan ng Labo, 3 mula sa San Vicente, 2 mula sa bayan ng Talisay at may tig-i-isang kaso ang bayan ng Jose Panganiban, Paracale at san Lorenzo Ruiz

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Umabot naman sa 443 ang lahat ng mga gumaling mula sa virus matapos makarekober ang 13 pasyente.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang Camarines Norte sa ngayon ay may 228 na aktibong kaso habang nanatili sa 32 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa sakit