Kaso ng COVID-19 sa Bicol, pumalo na sa mahigit 51K, matapos maitala ang 645 mga bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Umabot na sa 51,097 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol matapos na maitala ang karagdagang 645 mga bagong kaso ng sakit kahapon, araw ng Linggo.

Batay sa inilabas na ulat ng Department of Health-Bicol, ang lalawigan ng Camarines Sur ay nakapagtala ng 249 na mga bagong kaso kung saan 118 sa mga ito ang mula sa Naga City; pawang 12 sa bayan ng Bombon at Libmanan; sampo sa Canaman; tag-siyam ang Pili at Ragay; pito sa Iriga City; anim sa San Fernando; lima sa Baao, Nabua at Pasacao; tag a-apat ang mga bayan ng Buhi, Cabusao, Calabanga, Magarao, at Tinambac; tag ta-tatlong kaso ang mga bayan ng  Bato, Bula, Lagonoy, Ocampo, Pamplona at Sipocot; tag dalawang kaso ang Camaligan, Lupi,Milaor at San Jose habang may tag-iisa naman ang mga bayan ng Balatan, Del Gallego, Goa, Sagnay at Tigaon.

Nasa 127 kaso naman ang naidagdag sa lalawigan ng Albay kung saan 41 nito ang mula sa Daraga; 25 sa Legazpi City; 16 sa Tabaco City; sampo sa Ligao City; siyam sa Sto. Domingo; pito sa Tiwi; lima sa Polangui; tag-apat ang Libon at Manito; tag dalawa ang Bacacay at Guinobatan  habang may tag-isa naman ang Camalig at Oas.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, ang Sorsogon ay may 93 mga bagong kaso kung saan 43 nito ang mula sa Sorsogon City; 11 sa Bulan; pito sa Gubat; anim sa Castilla; tag-lima ang Casiguran at Irosin; tag a-apat ang Juban, Matnog at Prieto Diaz; dalawa sa Barcelona at may tag isa naman ang Bulusan at Donsol.

Sa lalawigan ng Masbate, 89 na mga kaso ang naitala kung saan 30 nito ang mula sa Masbate City; 11 sa Mobo; sampo sa Uson; siyam sa Dimasalang; anim sa Cawayan; tag-apat ang Mandaon at Palanas; tag tatlong kaso ang Aroroy, Baleno at Placer; dalawa sa Cataingan at tag-iisa ang mga bayan ng Milagros, Monreal, Pio V Corpuz at San Jacinto.

Nasa 57 naman ang mga naitala sa Camarines Norte kung saan may 13 bagong kaso sa bayan ng Daet; 11 sa Jose Panganiban; sampo sa Basud; walo sa Labo; pito sa Vinzons; tatlo sa Mercedes; dalawa sa Talisay at tag-iisa ang Capalonga, San Lorenzo Ruiz at San Vicente.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Umabot naman  sa 26 ang mga naidagdag sa probinsya ng Catanduanes kung saan walo nito ang mula sa Virac; pito sa Bato; tatlo sa Viga; dalawa sa Caramoran, Panganiban at San Andres at tag-isang kaso naman ang  Baras at San Miguel.

Bukod sa mga ito, apat na kaso naman ang mga nagmula sa ibang rehiyon ngunit dito naitala sa Bicol.

Sa kasalukuyan, sumipa na sa 5,767 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol habang umakyat naman sa 43,328 ang recoveries makaraan madagdagan ng 29 na mga gumaling.

Wala naman naidagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit, kung kaya’t nananatili sa 2,002 ang death toll ng COVID-19 sa buong Kabikolan.###