Kaso ng COVID-19 sa Bicol, bumaba sa 26% noong nakaraang linggo – DOH Bicol

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na mayroong 14 na COVID-19 patients ang naitalang nagnegatibo na sa nasabing sakit sa buong rehiyon noong Pebrero 12-18 at katumbas ng 26.30%.

Sa isang press conference, sinabi ni DOH Bicol regional director Ernie Vera na mayroon pa ring COVID sa bansa partikular na sa rehiyon.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Subalit, patuloy namang bumababa, aniya, ang mga nagpopositibo rito.

Samantala, hinihikayat pa rin ng ahensya ang publiko na magpabakuna ang hindi pa nagpapabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa mga malalang sintomas ng nasabing sakit.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Sinabi pa ni Vera, panatilihin pa rin na sumunod sa health protocols dahil mababa pa rin ang coverage sa pagbabakuna sa mga senior citizen at iba pang priority group.