Pilipinas, nananatiling kulelat sa world talent index

Tinukoy ang Pilipinas na muling kabilang sa mga bansang “worst performers” sa Asia at Pacific sa kabila ng three-notch improvement nito sa Institute for Management Development’s (IMD) World Talent Ranking (WTR) ngayong 2022.

Mula sa 63 na mga bansa, nakuha ng Pilipinas ang ika-54th spot at score na 41.1 over 100.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Pinakamababa ang bansa sa lahat ng miyembro ng ASEAN, at pumapangalawa naman sa pinakamababa sa buonmg Asia at Pacific region.

Ang naturang rankings ng bansa ay batay sa 31 criteria na nakaayon sa tatlong factors na Investment and Development factor, Appeal factor at Readiness.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Director of the World Competitiveness Center Arturo Bris, ang kalidad ng buhay at ang economic stability ang siyang magdidikta sa kalidad ng talento. // SMM